Check back soon for a complete list of the links.
To encourage the practice of art criticism and to broaden its reach to a wider public, the Purita Kalaw-Ledesma Prizes in Art Criticism present potential writers with the opportunity to contribute articles on art and culture to a local journal, a national newspaper, and an international art magazine.
With the theme Fresh Winds and New Light: Forecasting Change, the Purita Kalaw-Ledesma Prizes are open to essays that reflect on artworks, exhibitions, programs, projects, other creative expressions, and efforts that aim to imagine a better world. The phrase 'fresh winds and new light' is taken from Purita Kalaw-Ledesma’s foreword in an anthology of essays published in 1990, on the occasion of the awarding of the First Kalaw-Ledesma Prize in Art Criticism. As an art patron and founding president of the Art Association of the Philippines (AAP), Kalaw-Ledesma had witnessed the development of Philippine art as it was rising from the ashes of the Second World War up to the beginning of the 21st century. She described the Philippine art world then as having closed doors and believed that through the efforts of the AAP, windows were opened to let in fresh winds and new light. The phrase evokes Purita’s outlook which insisted on critical practice and criticism, openness to new perspectives and change, as well as her firm belief in art’s enduring power. In light of a post-pandemic situation, global crises, and the much-anticipated transition in national leadership, we look forward to essays that probe on notions of change–the discomforting yet refreshing excitement of the new; its embodiment in artistic practices that bear the potential for transformation.
The Purita Kalaw-Ledesma Prizes in Art Criticism will have English and Filipino categories. A panel of jurors will shortlist a maximum of six (6) writers from each category. From these lists, winners will be selected by the editors of the partner publications. Winners will be announced during the awarding ceremony scheduled in October 2022.
Two winners will be selected from the English category. The winner of the Purita Kalaw-Ledesma Prize for The Philippine Star will be awarded a regular column under ‘Platforms’ in the Arts and Culture section of the paper, to be published once a month with a total of 12 articles for a year. The winner of the Purita Kalaw-Ledesma Prize for ArtAsiaPacific will be contributing to this bi-monthly publication, with a total of six (6) articles for a year.
One winner selected from the Filipino category will be awarded the Purita Kalaw-Ledesma Prize for Katipunan and will be contributing to this bi-annual research publication, with a total of two (2) articles for a year. In addition, the winning writer in the Filipino category will have his/her essay published in The Philippine Star in October/November 2022.
In addition to the opportunity to have their written work published, one of the winners will be selected and offered a month-long writer’s residency with one of AAG’s local residency partners. The residency will give the winning writer an opportunity to immerse and interact with local art communities.
The Ateneo Art Awards-Purita Kalaw-Ledesma (PKL) Prizes for Art Criticism was launched in 2014 by Ateneo Art Gallery and Kalaw-Ledesma Foundation, Inc. (KLFI). It was named in honor of Purita Kalaw-Ledesma, art patron and founder of the Art Association of the Philippines (AAP). Purita believed in art criticism’s “vital role in the development of culture,” citing its capacity to “guide both artists towards new directions and public taste towards the best in past and current artistic output.”
QUALIFICATIONS OF PARTICIPANTS
MECHANICS FOR ENTRIES
Upang hikayatin ang praktika ng kritisismong pansining at palawakin ang abot nito sa publiko, ang Purita Kalaw-Ledesma Prizes in Art Criticism ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga potensyal na manunulat na mag-ambag ng mga artikulo hinggil sa sining at kultura sa isang lokal na dyornal, isang pambansang pahayagan at isang internasyonal na magasing pansining.
Sa taong ito, sa temang Fresh Winds and New Light: Forecasting Change (Sariwang Hangin at Panibagong Liwanag: Pagtataya sa Pagbabago), bukas ang Purita Kalaw-Ledesma Prizes para sa mga sanaysay na nagninilay sa mga likhang sining, eksibisyon, programa, proyekto, at iba pang malikhaing pagpapahayag at pagsisikap na naglalayong humaraya ng isang mas magandang mundo. Ang pariralang 'fresh winds and new light' ay mula sa paunang salita ni Purita Kalaw-Ledesma sa isang antolohiya ng mga sanaysay na inilathala noong 1990, sa okasyon ng paggawad ng unang Kalaw-Ledesma Prize sa Kritisismong Pansining. Bilang patron ng sining at tagapagtatag na pangulo ng Art Association of the Philippines (AAP), nasaksihan ni Kalaw-Ledesma ang pag-unlad ng sining ng Pilipinas habang ito ay bumabangon matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig hanggang sa simula ng ika-21 siglo. Inilarawan niya ang mundo ng sining ng Pilipinas noon bilang may mga saradong pinto at tinatayang sa pagsisikap ng AAP, may mga bintana namang nabuksan din upang mapapasok ang sariwang hangin at bagong liwanag. Pinupukaw ng parirala ang pananaw ni Purita na tumitindig para sa kritikal na kasanayan at kritisismo, pagiging bukas sa mga bagong pananaw at pag-iiba, pati na ang kaniyang matatag na paniniwala sa walang hanggang kapangyarihan ng sining. Sa gitna ng isang sitwasyong post-pandemiko, mga krisis pandaigdigan, at ang napipintong pagbabago sa pambansang pamumuno, umaasa kami para sa mga sanaysay na susuri sa mga kaisipan ng pagbabago–ang nakababahala subalit nakapapanariwang pananabik ng bago; ang pagsasakatawan nito sa mga kasanayang pansining na nagdadala sa potensyal para sa pagbabago.
Ang Purita Kalaw-Ledesma Prizes in Art Criticism ay magkakaroon ng mga kategorya sa Ingles at Filipino. Bubuo ang isang lupon ng mga hurado ng isang shortlist na may hindi bababa sa anim (6) na manunulat para sa bawat kategorya. Mula sa mga listahang ito, pipiliin ang mga magsisipagwagi ng mga patnugot ng mga katuwang na publikasyon. Iaanunsiyo ang pangalan ng mga magsisipagwagi sa takdang seremonya ng paggawad sa Oktubre 2022.
Dalawa ang pipiliing manalo sa kategoryang Ingles. Gagawaran ang mananalo sa Purita Kalaw-Ledesma Prize para sa The Philippine Star ng isang regular na column sa ilalim ng ‘Platforms’ sa seksiyong Arts and Culture ng pahayagan na ilalathala kada buwan at may sumang 12 artikulo sa loob ng isang taon. Makapag-aambag naman ang nagwagi ng Purita Kalaw-Ledesma Prize para sa ArtAsiaPacific sa makalawang-buwanang publikasyong ito, na may sumang anim na artikulo para sa isang taon.
Gagawaran naman ang isa mula sa shortlist ng kategoryang Filipino ng Purita Kalaw-Ledesma Prize para sa Katipunan. Ang mapipili ay makapag-aambag sa publikasyong pampananaliksik na ito na inilalathala nang dalawang beses kada taon, na may sumang dalawang artikulo sa loob ng isang taon. Bilang karagdagan, mailalahatla rin ang sanaysay ng mananalong manunulat sa nasabing kategorya sa The Philippine Star sa Oktubre/Nobyembre 2022.
Bukod pa sa pagkakataong mailathala ang kanilang mga sulatin, pipiliin ang isa sa mga nagsipagwagi upang maanyayahan ng isang buwang writer’s residency sa isa sa mga lokal na residency partner ng AAG. Ang nasabing residency ay magbibigay ng pagkakataon sa mananalong manunulat na makibabad at makipag-ugnayan sa mga lokal na komunidad pansining.
Inilunsad ang Ateneo Art Awards-Purita Kalaw-Ledesma (PKL) Prizes para sa Kritisismong Pansining noong 2014 ng Ateneo Art Gallery at Kalaw-Ledesma Foundation, Inc. (KLFI). Ipinangalan ito alinsunod kay Purita Kalaw-Ledesma, isang patron ng sining at ang tagapagtatag ng Art Association of the Philippines (AAP). Naniniwala si Purita sa "mahalagang gampanin ng kritisismong pansining sa pagpapaunlad ng kultura," sa gana na rin ng kapasidad nitong "gabayan kapwa ang mga alagad ng sining patungo sa mga bagong direksyon at ang panlasang pampubliko tungo sa pinakamahuhusay sa nakaraan at kasalukuyang likhang sining."
PAMANTAYAN PARA SA MGA KALAHOK
MGA ALITUNTUNIN PARA SA PAGLAHOK
Filipino Translation by Christian Benitez
Type the name of the title or author that you are looking for.
List of Essays:
Eldrick Los Baños
Museum Education Officer
elosbanos@ateneo.edu
+632 8426-6488
Telephone
Telephone
Copyright
2023
Ateneo Art Gallery.
Powered by Passion.
Fabian dela Rosa, Portrait of Purita Kalaw-Ledesma, Oil on Canvas | 1932